Tuesday, September 28, 2010
Plastic, dapat bang tangalin?
Plastic, dapat bang tangalin?
Sa mga nakaraang araw, may nagsusulong na naman ng pagbabawal ng plastic na supot sa mga pamilihang bayan, mga mall, supermart, palengke, botika, at sa mga mga lugar na gumagamit nito. Pero paano naman yung mga nagtratrabaho dito, yung mga namuhunan, mabibilang din sila sa mga problema ng ating bansa sa sandali na ito ay pigilan, hindi ho ba?
Pero plastic na supot lang ba ang problema ng ating kalikasan, o problema lang ng mga kanal na naiimbakan ng mga plastic na wala ng magtra-trabaho dahil ito ay dating trabaho ng DPWH na nailipat sa MMDA, na ang MMDA naman ay ginawang mga traffic inforcer ang mga tauhan kaya wala ng magtratrabaho para dito....ang mga makakalikasan daw ay hindi naman ito papakialaman at gusto minsan lang isang taon at may media.... nakakalungkot ano po?
Balik tayo sa plastic, bakit plastic lang ang ibabawal, tumingin kayo sa larawan sa itaas, sa itaas na taas, yung walang baboy na totoo, doon sa ibang mga baboy sa kalye, doon sa mga nagbababoy-baboyan, sa tingin ba ninyo aabot sa sampung porsiyento ang plastic na nakikita ninyo?
Hindi naman di ba? Siguro nasa isang porsiyento lang kung timbang ang ating pagbabasihan.....ano-ano ba ang nakakalat na basura na dapat din nating ipagbawal dahil nakakasira ng kalikasan....marami po ito, boteng plastic, styropor, pampers, sanitary napkin, bulok na gulay, bulok na isda, bulok na lamang loob ng isda, manok, baboy, kahoy na bulok, kaning-baboy, at kung ano-ano pang basura na posible ding makabara ng kanal.....iyan lang naman ang pinoproblema ng mga nanunungkulan di ba, pagbabara ng kanal......talaga yatang nasa panahon tayo ng tan-g-a sa panahong ito, ano po?
Sige po, balik tayo sa "Biodegradable Materials" na gusto daw ng mga makakalikasan, kaya papel ang supot na gagamitin natin ha....umpisa tayo sa palengke, sa palengke muna......saan ba nilalagay ang dugo ng baboy kung gusto mong kumain ng dinuguan...puwede ba ito sa supot na papel......bili ka ng tinapa, puwede sa papel ano po...pero hindi ka naman papasakayin sa air-con na bus dahil aamoy ito....kaya dapat sa malapit na palengke ka na lang bibili at huwag ng lalayo....at marami pa na hindi puwede sa papel na supot...
Punta tayo sa mga supermart, pag super may palengke sa loob ano po....karamihan nagbebenta sila ng biodegrable bag, di naman nila ito pinamimigay....siyempre supermart may mga tinda din na baboy, isda, baka, at kung ano-ano pa na manga-ngailangan ng supot na plastic, e bawal na, di sa papel na supot nila ito ilalagay...kasama ng ibang binili mo na katulad ng asukal na nasa papel na din, asin, at kung ano-ano pang produkto na gumagamit ng supot na plastic, e di magkakahalo-halo sila ano po....tamang-tama, sasalang na lang pag-uwi dahil halo-halo na lahat ng pinamili mo ano po?
At marami pang mga negosyo ang maapektuhan sakaling ipagbawal na natin ang plastic...di ba ho, samantalang tamang pagsasaayos lang ng mga basura ang dapat di po ba?
Sa America, di bawal ang plastic na supot, pero namimigay din sila ng supot na papel, kung ano gusto mo iyon ang ibibigay sa iyo...sabihin natin ayos ang basura nila doon ano po..., pero diyan kayo namamali dahil kulang ang oras nila para sa segregation o paghihiwalay ng mga basura...may batas din sila doon tungkol sa segregation pero ang paglalaba nga ng damit di nila halos magawa, paghihiwalay pa kaya ng mga basura, sa tingin ko nga mas baboy pa sila sa atin dahil hindi nakikita ang landfill doon dahil inilalayo nila sa mga kabayanan, siguro ga-ahas na ang mga bulati doon...he he
Sa bansa natin, napakaraming walang trabaho ano po, bigyan natin ng trabaho, at iyan ang isa sa mga trabahong gustong gawin ng ating "Guardians Stop Global Warming Foundation, Inc.", ang hindi na makarating sa landfill ang mga basura, at gawin ang mga dapat sa basurang iyan....lahat ng basura gagawan natin ng paraan na mapakinabangan pa ulit.....na hindi makakasira ng ating kalikasan, at ng huwag na din bumara sa mga kanal, at magpatuloy ang mga negosyo sa ating bansa, at maging masaya lahat ng Pilipino!
Ang masakit lang nito, mayroon tayong makakalaban, konti lang naman sila, mga plastic na tao, sana ito ang ipagbawal....isipin niyo kung sino-sino ito....kung sinusundan ninyo ang mga blog ko nalaman na ninyo....
Sa mga walang trabaho, lalo na iyon mga nakatira sa National Capital Region at Region 3, sa mga Organisasyon, club, assosasyon, foundation, barangay, SK, at mga kumpanya, lalo na yung may mga produkto ng plastic, i-klik lang po ang mga link ng website sa itaas, gawin kanan, sa ibaba ng "Miyembro Pilipino" at maki-isa sa "Sumapi, Tulungan, at ng Malaman" kung gusto pa ninyong magpatuloy ang inyong negosyo....at yung mga walang trabaho ay magka-trabaho....
Salamat po at GOD Bless sa lahat ng babasa,
Guardians Stop Global Warming Foundation, Inc.
Subscribe to:
Posts (Atom)